Hindi pa tapos ang Quad Committee ng Kongreso sa paglalabas ng mga rekomendasyon para sa pagsasampa ng kaso kaugnay ng illegal drug trade at Philippine offshore gaming operators (POGOs).
Ayon kay Rep. Robert Ace Barbers, chair ng Quad Comm, dapat ding isailalim sa imbestigasyon ang mga sumusunod na personalidad na may kaugnayan sa mga ilegal na aktibidad:
Mga Sangkot sa mga POGOs at Illegal Drug Trade:
- Rep. Paolo Duterte (Davao, 1st District)
- Michael Yang
- Allan Lim (Asawa ni Rose Nono Lin)
- Nilo Abellera Jr.
- Paul Gutierrez
- Benny Antiporda
- Jojo Bacud
- Tita Nanie
- Allen Capuyan
- Charlie Tan
- Sammy Uy
Ayon sa Quad Comm, konektado ang ilan sa mga ito sa smuggling ng ilegal na droga sa tulong ng umano’y Customs fixer na si Mark Taguba.
Mga Konektado sa POGOs:
- Harry Roque (dating presidential spokesperson)
- Cassandra Li Ong (Lucky South 99 at Whirlwind Corp.)
- Alice Guo
- Tony Yang
- Hongjiang Yang
Mga Chinese Nationals na Inirekumindang Kasuhan:
- Willie Ong (Empire 999 Realty Corp.)
- Aedy Tai Yang (Empire 999 Realty Corp.)
- Teddy Tumang (dismissed Mayor ng Mexico, Pampanga)
Sina Ong at Yang, na mga Chinese nationals, ay iligal na kumuha ng Filipino birth certificates para makabili ng lupa sa Pilipinas. Kaugnay din sila sa pagkakasamsam ng 360 kilo ng shabu sa Mexico, Pampanga.
Mga Panukalang Batas
Nagpasa ang Quad Comm ng mga panukalang batas:
- House Bill 11043 at 11117 – Para sa gobyerno na angkinin ang mga lupaing ilegal na nabili ng dayuhan.
- House Bill 10987 – Para tuluyang ipagbawal ang POGOs.
“This is a defining moment for this Congress. It is an opportunity to uphold the rule of law, protect our nation’s sovereignty, and deliver justice to those who have been wronged,” ayon kay Barbers.