Site icon PULSE PH

Mga Kalsadang Isasara at Alternatibong Ruta para sa Homecoming Parade ng Olympians BUKAS!

Nag-anunsyo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga kalsadang isasara at rerouting schemes para sa homecoming parade ng mga Filipino athletes na lumaban sa 2024 Paris Olympics.

Para iwas-trapik, magkakaroon ng stop-and-go scheme sa mga pangunahing ruta na tatahakin ng parada na magaganap sa Martes, August 13, mula Philippine International Convention Center (PICC) hanggang Malacañang Palace.

Narito ang mga detalye ng ruta:

  • * V. Sotto Center Island, left turn
  • * Roxas Blvd., right side
  • * P. Burgos Avenue
  • * Finance Road
  • * Ayala Blvd.
  • * Casal St.
  • * Legarda St.
  • * Mendiola St.
  • * Jose Laurel St. hanggang sa destinasyon

Para sa northbound traffic:

  • * Roxas Blvd. Service Road
  • * Taft Avenue
  • * F.B. Harrison Street
  • * A. Mabini Street

Para sa southbound traffic:

  • T.M. Kalaw
  • U.N. Avenue

Makikita sa parada ang mga medalistang Olympian tulad ni Carlos Yulo, na nagwagi ng dalawang gold medals. Huwag kalimutan ang mga alternate routes na inirerekomenda ng MMDA para sa smooth sailing sa kalsada!

Exit mobile version