Magkakaroon ng pansamantalang pagsasara ng ilang pangunahing kalsada sa Makati ngayong Biyernes, Disyembre 19, dahil sa gaganaping MMFF Parade of Stars, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Magsisimula ang parada alas-1 ng hapon at tatahak ng humigit-kumulang 8.4 kilometro na ruta. Mula Macapagal Boulevard, dadaan ito sa Sen. Gil Puyat Avenue, Ayala Avenue, Makati Avenue, J.P. Rizal Street, at A.P. Reyes Avenue, bago magtapos sa Circuit Makati.
Pinapayuhan ang mga motorista na maghanda sa posibleng mabigat na trapiko at gumamit ng alternatibong ruta habang isinasagawa ang parada.
