32 Batang Nasa Sekta ni Quiboloy, Naka-Planong Relocation Matapos Ang Pagka-Freeze ng Assets!
Nagplano ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa adoption at family reintegration ng 32 batang nasa mga shelter na pinopondohan ng Kingdom of Jesus Christ (KJC). Ito ay matapos i-freeze ng Court of Appeals ang mga ari-arian ni Apollo Quiboloy noong nakaraang buwan dahil sa mga kaso ng child abuse at human trafficking.
Ayon kay Social Welfare Assistant Secretary Janet Armas, hindi na-renew ang lisensya ng limang shelters ng Children’s Joy Foundation Inc. (CJFI) dahil hindi nila na-meet ang financial requirements. Dahil sa freeze order, sinabing hindi i-renew ang lisensya kung walang sapat na financial capacity.
