Opisyal nang naging “party of three” ang celebrity couple na sina Megan Young at Mikael Daez matapos isilang ang kanilang unang anak — isang malusog na baby boy!
Masayang ibinalita ng mag-asawa sa Instagram ang pagdating ng kanilang munting bundle of joy. Sa isang reel, ibinahagi ni Mikael ang mga makukulay na eksena mula sa kanilang pregnancy journey — mula sa pagbubuntis ni Megan hanggang sa suporta niya (at ng kanilang alagang aso) sa bawat hakbang. “An explosion of overwhelming emotions. New chapter unlocked,” ani Mikael sa caption, gamit ang kanyang kilalang charm.
Hindi rin nagpahuli si Megan at nag-post ng mga instant photos na nagpapakita ng kanyang baby bump — mula umpisa hanggang sa mismong araw ng panganganak noong May 20. “Welcome to the outside world, our little one!!!” sabi niya. “It’s been a week with him and we’re filled with so much love.”
Matatandaang ikinasal ang dalawa noong 2020, at inanunsiyo nila ang kanilang pregnancy nitong Disyembre 2024.