Site icon PULSE PH

Medyas ni Michael Jackson, Nabenta ng Halos ₱500K!

Isang medyas na suot ni Michael Jackson noong 1997 concert sa France ang nabenta sa halagang €7,688 (o mahigit ₱500,000) sa isang auction sa Nîmes, France. Ayon sa auctioneer na si Aurore Illy, natagpuan ang medyas malapit sa dressing room ni MJ matapos ang show.

Hindi basta-bastang medyas ito—kulay puti, may rhinestones, at isinusuot ni Jackson habang iniindak ang “Billie Jean” sa kanyang “HIStory World Tour.” Kahit may mantsa at kupas na ang mga palamuti, tinawag itong “cult item” para sa fans ng King of Pop.

Hindi ito ang unang beses na nabenta ang gamit ni MJ sa mataas na halaga—isang guwantes na may kinang ang naibenta na rin noon sa halagang $350,000!

Kahit matagal nang pumanaw si MJ noong 2009, patuloy pa rin ang kasikatan at pagkaaliw ng mga tao sa kanyang legacy—mantsa man sa medyas o sa reputasyon.

Exit mobile version