Site icon PULSE PH

Mayor Tanggol? Coco, Binuksan na ang Pinto sa Politika ng Batang Quiapo!

Ibinahagi ni Coco Martin ang mga aabangang pasabog sa FPJ’s Batang Quiapo — kabilang ang pagkamatay ng ilang major characters at pagsisimula ng “political era” ni Tanggol!

Sa isang teaser, kita si Tanggol na rumatrat mag-isa ng mga kalaban sa abandonadong gusali, habang sa ibang eksena naman ay tumatakbo na siya bilang Mayor ng Maynila bilang Tagapag-Tanggol ng Pagbabago.

Kasabay ng tensyon sa serye, naghahanda rin si Coco para sa Kapamilya Live in Kenya ngayong June 28 kasama si Julia Montes.

Sa live interview ng TV Patrol, tiniyak ni Coco ang walang tigil na aksyon at sunod-sunod na rebelasyon:
“Wala nang hingaan. Pinaghandaan namin ‘to at lahat ng eksena pinaghihirapan at pinag-iisipan. Ilang araw na namin shinu-shoot. Dire-diretso na lahat ng revelation at maraming character na dahan-dahan nang nawawala.”

Exit mobile version