Pasok si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa 15 semi-finalists ng taunang Gawad Lingkod Bayan ng Pangulo, ayon sa Civil Service Commission (CSC).
Ngayon, hinihikayat ng CSC ang publiko na magbigay ng feedback—positibo man o negatibo—hanggang July 21 para makatulong sa pagpili ng mga final winners na iaanunsyo sa Setyembre.
Sabi ni CSC Chairperson Marilyn Yap, “Ang inyong mga komento ang maggagabay sa amin upang mapili ang mga tunay na kahanga-hangang lingkod-bayan na naglilingkod nang may puso at nagdudulot ng positibong pagbabago.”
Ang Gawad Lingkod Bayan ng Pangulo ang pinakamataas na parangal sa ilalim ng Gawad Lingkod Bayani, na iginagawad taun-taon para kilalanin ang mga natatanging serbisyo na may malaking epekto sa buong bansa.
Suportahan natin ang ating mga lingkod-bayan!
