Ibinigay ng Commission on Human Rights ang Gawad Tanggol Karapatan Award kay Mayor Joy Belmonte bilang pagkilala sa kanyang adbokasiya na pangalagaan at ipagtanggol ang karapatan ng mga mamamayan.
Kabilang sa mga programang may malaking impact para sa mga residente ng Quezon City ay ang QC Protection Center, Bahay Kanlungan, Committee on Decorum and Investigation (CODI), Right to Care Card, No Women Left Behind, at ang QC Social Hygiene at Sundown Clinics.
Nagpunta si Councilor Wency Lagumbay, ang Chairperson ng Committee on Human Rights, sa Culmination Night ng 2023 National Human Rights Consciousness Week upang tanggapin ang parangal mula sa CHR bilang kinatawan ni Mayor Joy.
Kabilang din sa mga natanggap ng parangal sa kaganapan si Mayor Shierwin Taay ng Dingalan, Aurora, Councilor Arthur Allad-Iw ng Baguio City, at Councilor Mary Martin-Chan ng Tuguegarao City, na kinilala sa kanilang mga kontribusyon sa adbokasiya para sa karapatang pantao.
Dumalo rin sa kaganapan si CHR Chair Atty. Richard Palpal-Latoc, Senior Human Rights Advisor Signe Poulsen mula sa Office of High Commissioner for Human Rights, at ang mga CHR Commissioners na sina Beda Epres at Monina Zenarosa.