Site icon PULSE PH

Mas Matindi at Mas Nakakakaba: ‘Squid Game 2’ Parating Na!

Handa na ang Season 2 ng Squid Game, at ayon sa creator nitong si Hwang Dong-hyuk, mas maraming karakter, mas kakaibang laro, at mas matinding kwento ang dapat abangan. Ang kasunod na kabanata ng sikat na serye ay ipapalabas sa Netflix sa Disyembre 26.

Kasama pa rin sa Season 2 si Seong Gi-hun (Lee Jung-jae), pero this time, hindi para manalo kundi para tapusin ang madugong laro. “Ibang Gi-hun na ang makikita natin. Gusto niyang maghiganti at dalhin sa hustisya ang nasa likod ng mga laro,” ani Lee.

Nagpakilala ang Squid Game bilang pinakamalaking hit ng Netflix noong 2021 at nanalo ng Emmy Awards si Hwang bilang Best Director at si Lee bilang Best Actor, mga unang Asyano na nakamit ito.

Bukod sa Season 2, nasa post-production na rin ang Season 3, at may tsismis pa tungkol sa English-language adaptation na posibleng idirek ng Hollywood filmmaker na si David Fincher.

Exit mobile version