PULSE PH

Mas Mataas na Toll sa NLEX, Epektibo Ngayon Araw!

Simula ngayong araw, tumaas na ang singil sa toll sa North Luzon Expressway (NLEX) matapos ipatupad ang huling bahagi ng toll rate adjustment, ayon sa NLEX Corp.

Pinahintulutan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang dagdag-singil na ₱6 sa open system at ₱0.26 kada kilometro sa closed system. Ito ang ikalawa at pinal na tranche ng toll increase na orihinal na itinakda pa noong 2023 ngunit ipinagpaliban at hinati sa dalawang yugto upang mabawasan ang epekto sa mga motorista.

Sa open system—mula Metro Manila hanggang Marilao, Bulacan—magbabayad ng dagdag na ₱6 ang Class 1 (mga kotse at SUV), ₱12 ang Class 2 (bus at maliliit na trak), at ₱16 ang Class 3 (malalaking trak).

Para naman sa closed system—mula Bocaue hanggang Sta. Ines sa Pampanga at Subic-Tipo—ang mga biyaheng mula Metro Manila hanggang Mabalacat ay may dagdag na ₱24 para sa Class 1, ₱60 sa Class 2, at ₱72 sa Class 3.

Ayon sa NLEX Corp., kailangan ang regular na pag-aadjust ng toll upang mapanatili ang ligtas, episyente, at de-kalidad na serbisyo sa expressway.

Exit mobile version