Pinagsama-sama ang mga dating kontrabida at outcasts — sina Yelena, Red Guardian, Ghost, Taskmaster, U.S. Agent, at misteryosong si Bob — sa isang mission na puno ng gulo, awayan, at unexpected feels.
Habang sinusunod ang utos ni Valentina de Fontaine (yes, CIA na ang kalaban!), unti-unti nilang nalaman na may mas malalim palang kontrol at sabwatang nangyayari. Pati si Bucky Barnes, na ngayon ay congressman na (shock!), nadamay sa kaguluhan.
Sa dami ng flop vibes ng Phase 5 ng MCU, nakabawi ang Thunderbolts — anti-heroes na may puso, at kwento na mas astig kaysa inaasahan.
Hindi ito Endgame, pero ito na siguro ang comeback ng Marvel na matagal na nating hinihintay.
