Site icon PULSE PH

Marso, Gawing ‘Bawal Bastos’ Month? Isang Grupo ang Humihirit!

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Women’s Month, isinusulong ng Akbayan party-list ang panukalang gawing opisyal na “Bawal Bastos” Awareness Month ang buwan ng Marso.

Sa pamamagitan ng House Resolution 2247, hinimok ni Akbayan Rep. Perci Cendaña ang Philippine Commission on Women na magsagawa ng audit sa mga pampubliko at pribadong establisimyento upang tiyakin ang pagsunod sa Safe Spaces Act—mula sa kalsada at social media, hanggang sa mga opisina at paaralan.

Walang puwang ang harassment at pambabastos sa lipunan—sa lansangan man, sa opisina, sa social media, o sa gobyerno,” ani Cendaña. “Dapat ligtas ang lahat, saan man sila naroroon—walang palusot, walang exemption.

Kahapon, naglunsad ng awareness campaign ang Akbayan kung saan namahagi sila ng stickers at posters na may hotline numbers para sa mga biktima ng gender-based harassment sa may Elliptical Road, Quezon City.

Ipinamahagi ang mga stickers sa mga jeepney, bus, at tricycle drivers pati na rin sa mga pasahero bilang bahagi ng kampanya laban sa pambabastos at pang-aabuso sa mga pampublikong lugar.

Exit mobile version