Handang sungkitin ng UP Fighting Maroons ang kampeonato habang desperadong babangon ang La Salle Green Archers para manatiling buhay sa UAAP Season 87 men’s basketball finals ngayong Miyerkules sa Mall of Asia Arena.
Matapos ang 73-65 panalo sa Game 1, isang hakbang na lang ang Maroons para sa matamis na redemption matapos ang dalawang magkasunod na bridesmaid finishes. Ngayong alas-5:30 ng hapon, kanila nang pagkakataong burahin ang masakit na nakaraan at makagawa ng kasaysayan.
Pero hindi basta magpapatalo ang Archers. Kahit pa nabigo sila sa unang laban, alam nilang kaya nilang mag-comeback — gaya ng ginawa nila noong nakaraang taon nang sila’y nanalo sa Game 2 at 3 matapos matambakan sa Game 1.
Ang malaking tanong: mabubuhay pa ba ang MVP na si Kevin Quiambao matapos ang mala-ghost mode performance sa second half ng Game 1? O tatapusin na ng Maroons ang kwento ngayong gabi?
Ito na ang labanang hihinga o bibigay — sino ang uuwi ng may korona, at sino ang uuwi ng luhaan? Abangan ang sagot sa Game 2!