Site icon PULSE PH

Mark Magsayo, Balik-Bangis sa Undercard ni Pacman!

Dating world champ na si Mark “Magnifico” Magsayo ay muling sasabak sa laban, bitbit ang hangaring maging two-division world champion. Magsisilbing co-main attraction siya sa undercard ng laban ni Manny Pacquiao vs. Mario Barrios ngayong Linggo (Manila time), sa MGM Grand, Las Vegas.

Makakalaban niya ang Mehikanong si Jorge Mata Cuellar sa isang 10-round super-featherweight bout. Ayon kay Magsayo, hindi lang basta panalo ang target — dapat impressive.

“Stepping stone ko ‘to para sa susunod na world title fight,” ani Magsayo, na may record na 27-2, 18 KOs.

Naulit ang eksena ng 2021 kung saan pinatulog niya si Julio Ceja sa undercard din ni Pacquiao. Sinundan ito ng pagkapanalo sa world title kontra Gary Russell Jr. noong 2022, pero agad niya ring nawala ang titulo kay Rey Vargas.

Ngayon, may tatlong sunod na panalo si Magsayo, at layuning gawing apat na sunod kontra kay Cuellar (21-2-2, 13 KOs), na aniya’y hindi mahilig gumalaw — swak sa kanyang istilo.

“May knockdown ‘to. Magpapakita kami ng show,” paniniguro ni Magsayo.

Exit mobile version