Site icon PULSE PH

Mark Bautista, Inakalang Katapusan na Niya!

Nang dahil sa naranasang shooting incident sa Amerika kung saan inakala niyang katapusan na niya, nagdesisyon si Mark Bautista na mag-“come out” sa publiko.

Itinuturing ng Kapuso singer na himala ang nangyari sa kanya at sa ilang kaibigan noong muntik na silang mamatay matapos masangkot sa shooting incident noong 2017 sa Seattle, Washington.

Second life na nga raw niya ito kung tutuusin, ayon kay Mark base sa panayam sa kanya ni Luis Manzano na napapanood sa YouTube channel nito.

“Nasa likod kami, ‘yung nag-Uber kami, and then may kotse lang sa harap namin na biglang nag-stop. Then may lumabas na lalaki sa sun roof nila. May hawak na dalawang baril talaga,” pagbabalik-tanaw ni Mark.

“So talagang gumanu’n, (lumingon) siya sa likod, paulan talaga siya ng (bala) baril,” kuwento pa ng singer at aktor.

Mas tumindi pa raw ang kanilang takot nang makitang nabutas ang mga pintuan ng kanilang sasakyan at nabasag din ang mga salamin. Feeling ni Mark ay katapusan na nila at hindi na siya makakabalik ng Pilipinas.

“So ako talaga noon, akala ko talaga last na iyon na hindi na ako makakauwi ng Pilipinas. Ganoon na ‘yung feeling ko,” pagbabahagi ni Mark.

Kasunod nito, maraming realizations sa buhay si Mark kabilang na ang desisyong magpakatotoo na sa sarili at aminin na sa buong mundo ang kanyang pagiging bisexual.

Exit mobile version