Ready na si Maris Racal sa pag-release ng kanyang bagong kanta na “Perpektong Tao,” isang awitin na inamin niyang isinulat mula sa pinagdaanan niyang sakit, pagsisisi, at tapang na humingi ng tawad.
“I’m back,” ani Maris. “Ang kantang ito ang naging paraan ko para maghilom. Isinulat ko ito mula sa madilim na yugto ng buhay ko, at sana, magbigay liwanag ito sa iba na kailangan din ng healing.”
Si Maris, bukod sa pagiging aktres sa paparating na action-drama na Incognito, ay kilala rin bilang singer-songwriter. May dalawa na siyang studio albums, ang Stellar (2018) at Ate Sandali (2022). Kabilang sa kanyang mga sikat na kanta ang “Asa Naman” at “Ate Sandali.”
Ngunit hindi lang sa musika naging usap-usapan si Maris kamakailan. Noong Disyembre, nasangkot siya sa isang cheating scandal kasama ang kanyang screen partner na si Anthony Jennings, matapos mag-viral ang mga screenshots na ipinost ng ex ni Anthony na si Jam Villanueva. Humingi naman ng paumanhin sina Maris at Anthony matapos itong mag-trend.
Kasama pa rin sina Maris at Anthony sa Incognito, ang TV comeback ni Daniel Padilla, kasama sina Richard Gutierrez, Kaila Estrada, Baron Geisler, at Ian Veneracion.
Sa kabila ng kontrobersya, mukhang handa si Maris na bumangon at magbigay inspirasyon. Abangan ang “Perpektong Tao”—baka ito na ang kantang magpapa-heal din sa’yo!