Maris Racal at Anthony Jennings, humingi ng tawad matapos ang kontrobersiyang kinasasangkutan nila tungkol sa umano’y love triangle kasama ang ex ni Anthony, si Jamela Villanueva.
Sa magkahiwalay na pahayag, inamin ni Maris na nadala siya ng emosyon habang nagkakasama sila ni Anthony sa trabaho. Sinabi rin niyang hindi niya alam na hindi pa pala hiwalay si Anthony kay Jamela noon.
“Nagkamali ako. Pasensya na po sa lahat ng nasaktan,” ani Maris.
Samantala, humingi rin ng tawad si Anthony at sinabing, “Sorry sa dalawang babae, at sa lahat ng nadamay.”
Sa kabila ng isyu, absent ang dalawa sa mediacon ng MMFF entry nilang “And The Breadwinner Is…” pero positibo pa rin ang mga kasama nilang sina Vice Ganda at Ian Veneracion.
Para kay Maris, tuloy ang laban: “Magtratrabaho pa rin ako kahit mahirap. Hindi pa rin namamatay ang apoy sa puso ko.”