Site icon PULSE PH

Maris at Anthony, Nakabawi—No. 1 sa Netflix!

Matapos masangkot sa kontrobersiya dahil sa rebelasyon ni Jam Villanueva tungkol sa umano’y “liaison dangereuse” nina Maris Racal at Anthony Jennings, tila nakabawi na ang dalawa sa pamamagitan ng tagumpay ng kanilang pelikula.

Ang “Sosyal Climbers”, na matagal nang natapos bago pa pumutok ang isyu, ay kasalukuyang No. 1 movie sa Netflix. Sa pelikula, ginagampanan nila ang roles ng mga con artists na sina Jessa at Ray—nabubuhay sa kasinungalingan, pero ang chemistry nila? Sobrang totoo.

Bukod dito, ang kanilang serye na “Incognito” ay nasa Top 2 TV shows sa Netflix, at ang pelikula ni Maris na “Sunshine” ay nanalo ng Crystal Bear for Best Film sa Berlinale 2025.

Exit mobile version