Site icon PULSE PH

Margielyn Didal, Kasama sa Bagong Tony Hawk Game!

Pasok sa bigatin! Ang Filipino Olympian na si Margielyn Didal ay isa nang playable character sa bagong Tony Hawk’s Pro Skater 3 + 4, na lalabas ngayong Hulyo para sa Nintendo Switch, PlayStation, Xbox, at PC.

Sa teaser video ng laro, ipinakilala ni Didal ang sarili at ibinahagi ang kanyang skating journey. Inamin niyang iniidolo niya sina Nyjah Huston at Leticia Bufoni, at sobrang excited siyang maging bahagi ng sikat na game. “Masaya ako na nasa game ako at pwedeng gamitin ng iba para mag-enjoy,” ani Didal.

Si Didal, na sumabak sa Tokyo Olympics noong 2021, ay kilala hindi lang sa kanyang galing kundi pati na rin sa kanyang positibong vibes sa kompetisyon. Lagi siyang nakangiti kahit matapos matumba at palaging nakasuporta sa kapwa skaters. Noong Olympics, nag-trending pa siya matapos magpatawa nang makasama sa larawan si Tony Hawk, na kanyang caption: “This guy asked me to take a photo with him and I let him because he looks like Tony Hawk.”

Sa dulo ng teaser, nagbigay rin ng inspirasyon si Didal sa mga batang gustong subukan ang skateboarding: “Just have fun and don’t forget why you started.”

Exit mobile version