Inutusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang DPWH na tapusin ang paglilinis ng mga ilog, kanal, at waterways sa Metro Manila bago magsimula ang wet season ng 2026, ayon kay Secretary Vince Dizon. Ito ay bahagi ng “Oplan Kontra Baha” na naglalayong mabawasan ang matinding pagbaha sa buong bansa.
Ayon kay Dizon, makatutulong ang operasyon para mabilis na humupa ang baha, kahit hindi ganap itong maalis. Kasama sa plano ang pagtulong sa relocation ng mga informal settlers sa mga waterways sa tulong ng National Housing Authority.
Kasabay nito, nagsagawa na rin ng inspeksyon si Dizon sa mga waterways sa San Juan at Las Piñas. Bukod sa Metro Manila, isinasagawa rin ang declogging sa Metro Cebu at Bacolod. “Ito ang unang pagkakataon na ginagawa ito sa ganitong lawak,” ani Dizon.
