Noong Huwebes, inutusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Health (DOH) na magtayo ng mga klinika at magpadala ng mga medical teams sa lahat ng evacuation centers. Ito ay kasunod ng pagdeklara ng state of calamity sa Metro Manila dahil sa malawakang pagbaha dulot ng Supertyphoon Carina (international name: Gaemi) at habagat.
“Sometime, naiiwan sa background ang health care pagkatapos ng evacuation,” sabi ni Marcos sa briefing sa Palasyo. “Pero ang mga nasa evacuation centers ay kailangang may access sa klinika o kahit rotating medical team.”
“Sabihin mo sa DOH na ang mga evacuation centers, lalo na sa mga bata, kailangan ng medical care kahit barangay health workers lang muna habang wala pang doktor,” dagdag niya.
“Dapat tiyakin natin na maibigay ang maintenance medicines ng mga senior citizens, dahil naapektuhan ang kanilang supply. Pero kailangan ng reseta mula sa doktor,” sabi ng Pangulo.
Kasunod ng utos ng pangulo, inatasan ni Health Secretary Teodoro Herbosa ang DOH units na suportahan ang mga lokal na pamahalaan sa mga health concerns sa evacuation centers.