PULSE PH

Marcoleta, Pinili ng Senado Para Maging Blue Ribbon Chair!

Nakuha nina Senators Kiko Pangilinan at Bam Aquino ang kanilang nais na committee chairmanships matapos sumapi sa majority bloc ng Senado.

Ipinahayag sa plenaryo ng Senado na si Pangilinan ang bagong chairman ng Agriculture, Food, at Agrarian Reform Committee, dating hawak ni Cynthia Villar. Si Aquino naman ang bagong chairman ng Basic Education Committee, na dating pinamunuan ni Sherwin Gatchalian—na ngayon ay nanguna sa Finance Committee.

Bagong salta sa Senado na si Rodante Marcoleta ang hinirang na chairman ng Blue Ribbon Committee (Accountability of Public Officers and Investigations) at Senate Trade, Commerce, at Entrepreneurship Committee.

Kabilang din sa mga bagong chairman mula sa majority bloc sina:

  • Erwin Tulfo, sa Social Justice, Welfare, Rural Development, at Games and Amusements Committees
  • Camille Villar, Environment, Natural Resources, at Climate Change Committee (pumalit sa kanyang ina, Cynthia Villar)

Ilan sa mga senador ay nanatili sa dating komite tulad nina Alan Peter Cayetano (Accounts, Science and Technology, Higher and Tech-Voc Education), Robin Padilla (Constitutional Amendments, Cultural Communities, Muslim Affairs), Ronald dela Rosa (Public Order, Dangerous Drugs), Imee Marcos (Cooperatives, Foreign Relations), Jinggoy Estrada (National Defense), Bong Go (Sports, Health), JV Ejercito (Local Government), at Raffy Tulfo (Public Services, Migrant Workers).

May mga bagong committee posts naman sina Pia Cayetano (Energy, Sustainable Development Goals, Ways and Means), Marcos (Labor), Alan Cayetano (Justice and Human Rights), Mark Villar (Public Works), at JV Ejercito (Tourism).

Hindi pa na-aanunsyo ang chairs ng ilang committees gaya ng Banks, Civil Service, Culture and Arts, Economic Affairs, Electoral Reforms, Ethics, Government Corporations, Urban Planning, at Women, Children, and Gender Equality.

Hindi pa nabibigyan ng committee posts ang mga senador mula sa minority bloc tulad nina Risa Hontiveros, Panfilo Lacson, Loren Legarda, at Juan Miguel Zubiri.

Kasabay nito, tinutukan ng Senado ang unang pagbasa ng mga panukalang batas, kabilang ang mga bagong proposals at carryovers mula sa nakaraang Kongreso, na inaasahang prayoridad sa kasalukuyang sesyon.

Nagsuspinde ang session para batiin si Senador Rodante Marcoleta sa kanyang kaarawan.

Exit mobile version