Ang Quezon City government ay tiyak na magiging maayos at tahimik ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 22, ayon sa kanilang pagpupulong kamakailan.
Sa pangunguna ni Rowena Macatao, chief of staff ni City Mayor Joy Belmonte, kasama ang Department of Public Order and Safety Head Elmo San Diego at QC Police District deputy district director for operations PCol. Amante Daro, tiniyak ng QC LGU na handa na sila sa SONA.
Nabatid na nakipag-ugnayan na sila sa PNP at sa mga opisyal ng Batasan Pambansa Complex upang masiguro ang maayos na pagpaplano at pagtutok sa seguridad bago at pagkatapos ng SONA.
Sa tulong ng QC Department of Public Order and Safety (DPOS), magpapalabas sila ng mga traffic enforcer sa Commonwealth at Batasan Complex, pati na rin sa iba pang mga strategic na lugar upang bantayan ang daloy ng trapiko.
Bukod dito, magkakaroon din ng mga tauhan mula sa QC Department of Sanitation and Cleanup Works na maglilinis ng kalsada, kasama ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), upang siguruhing malinis at maayos ang kapaligiran sa araw ng SONA.