Nagsimula na ang crackdown ng NCRPO laban sa mga nagpapanggap na motorcycle taxi riders na sangkot daw sa mga krimen tulad ng nakawan.
June 6 nang sinimulan ang operasyon sa mga bus terminal sa Cubao, kasama ang Highway Patrol Group at MMDA.
Nag-request ng tulong ang Joyride matapos madiskubreng ginagamit umano ang kanilang uniporme sa ilegal na gawain.
Ayon kay Maj. Gen. Anthony Aberin, layon ng operasyon na protektahan ang publiko mula sa mga abusado’t mapagsamantalang kriminal.
Nagpakalat na ng undercover at unipormadong pulis sa mga hotspot tulad ng BGC, MOA, Malate, at Makati villages.