Site icon PULSE PH

Manny Pacquiao, Kaisa-Isang Active Boxer na Hall of Famer!

Hindi pa tapos si Manny Pacquiao sa paggawa ng kasaysayan! Nitong Linggo, opisyal na na-induct si Pacquiao sa International Boxing Hall of Fame sa Canastota, New York—habang aktibo pa siyang boksingero. Siya lang ang Hall of Famer na kasalukuyang lumalaban, sa kabuuang 155 sa “modern category” ng Hall.

Ang requirement para mapasama sa kategoryang ito ay dapat retired o inactive ng hindi bababa sa 3 taon, kaya pasok si Pacquiao, na huling lumaban noong 2021. Pero nang ianunsyo ang kanyang induction nitong Disyembre, nagulat ang lahat nang sinabi niyang babalik siya sa ring laban kay WBC welterweight champion Mario Barrios sa July 19.

May naunang kahalintulad si Pacquiao: Sugar Ray Leonard, na na-induct din habang bumalik sa laban, pero technically hindi pa siya Hall of Famer noong aktwal na comeback fight niya. Iba si Pacman—inducted na at lalaban pa!

Kung matatalo niya si Barrios, siya rin ang kauna-unahang Hall of Famer na nanalo sa comeback fight matapos ang 3 taong pahinga. Panibagong record na naman!

Sa 504 total inductees mula 1989, 13 lang ang Asyano, at 7 lang sa modern category—kasama na sina Flash Elorde, Khaosai Galaxy, at ngayon si Pacquiao. Sa listahang ‘yan, si Pacman lang ang tinalo ang 7 kapwa Hall of Famers sa ring, gaya nina Oscar de la Hoya, Miguel Cotto, Erik Morales, at Juan Manuel Marquez.

Pinag-uusapan na rin kung kailan papasok sa Hall si Nonito Donaire, at inaasahang masusundan pa ito ng ibang Pinoy tulad nina Luisito Espinosa at referee Sonny Padilla.

Exit mobile version