Site icon PULSE PH

Manila Concert Nagmistulang K-Pop Party Fiesta Dahil kay J-Hope!

Punong-puno ng sayawan, ilaw, at energy ang Mall of Asia Arena kagabi nang ilunsad ni J-Hope ng BTS ang Asia leg ng kanyang “Hope on the Stage Tour” dito sa Maynila.

Simula pa lang, ramdam na ang K-pop fever—may stage lifts, laser lights, at ang iconic na lightsticks ng ARMYs na kumislap sa puti, pula, berde, at purple habang sinasabayan ang bawat kanta.

Nagpakitang-gilas si J-Hope sa kanyang solo tracks tulad ng “Sweet Dreams” at “Mona Lisa,” parehong bagong labas ngayong Marso. Pinasabog din niya ang dance floor sa “Chicken Noodle Soup,” at syempre, todo sigawan ang crowd nang patugtugin ang BTS hit na “Mic Drop”!

Hindi rin niya nakalimutang ibida ang kanyang Neuron dance crew—binigyan niya ng spotlight ang bawat isa sa encore performance habang nakaflash sa LED screen ang lyrics ng “Neuron.”

Masayang-masaya si Hobi at ang fans—at hindi pa ‘yan tapos! May second night pa siya mamaya sa parehong venue. Kung kahapon party, asahan mo, tonight mas wild pa!

Exit mobile version