Site icon PULSE PH

Malacañang: Suporta ang Apela ng DPWH na Ibalik ang ₱45B sa 2026 Budget!

Ipinahayag ng Malacañang na suportado ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang apela ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na ibalik ang ₱45 bilyon na tinapyas sa panukalang 2026 national budget ng ahensya.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, alam na ng Pangulo ang hiling ni Public Works Secretary Vince Dizon sa bicameral conference committee. Binigyang-diin ni Castro na kung hindi maibabalik ang pondo, hindi maipapatupad ang halos 10,000 proyekto ng DPWH sa susunod na taon.

Dahil sa isyu, pansamantalang isinuspinde ang ikatlong araw ng bicam deliberations sa ₱6.793-trilyong pambansang badyet. Sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian na kailangan munang ayusin ang hindi pagkakasundo sa budget ng DPWH, habang iginiit ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na dapat akuin ng DPWH ang umano’y pagkakamali sa cost computations upang maiwasan ang tuluyang deadlock.

Nilinaw ni Dizon na ang hiling ng DPWH ay ibalik ang pondo na nabawas dahil sa recalculation ng project costs, batay sa updated Construction Materials Price Data (CMPD), at hindi ang mga proyektong tuluyang tinanggal sa budget.

Orihinal na humiling ang DPWH ng ₱881.31 bilyon para sa 2026. Ito ay ibinaba sa ₱625.78 bilyon ng Kamara, at muling binawasan ng Senado sa ₱571.79 bilyon, kung saan ₱45 bilyon ang tinapyas dahil sa CMPD adjustments.

Exit mobile version