Site icon PULSE PH

Malacañang, Itinanggi ang Ulat na Papalitan si Tourism Sec. Frasco!

Mariing itinanggi ng Malacañang ang kumakalat na ulat na papalitan umano si Tourism Secretary Christina Frasco ng dating Philippine Airlines president na si Stanley Ng.

Ayon kay Presidential Communications Undersecretary Claire Castro, “negative” ang sagot ng Palasyo nang tanungin ukol sa balitang may positibong feedback sa umano’y pagtalaga kay Ng bilang bagong kalihim ng Department of Tourism. Si Ng ay manugang ng negosyanteng si Lucio Tan.

Nahaharap si Frasco sa kritisismo matapos hindi maabot ng DOT ang target na bilang ng tourist arrivals noong 2025. Kaugnay nito, lumutang ang mga ulat na ilang ahensiya ng ehekutibo ang kasalukuyang sinusuri, kabilang ang kalusugan, edukasyon, ugnayang panlabas, transportasyon, ICT, public works, at maging ang Bureau of Customs.

Samantala, nilinaw naman ni Health Secretary Ted Herbosa na wala siyang natatanggap na anumang abiso na siya’y papalitan.

Sa ngayon, iginiit ng Malacañang na walang katotohanan ang balitang may nakatakdang pagpapalit sa pamunuan ng Department of Tourism.

Exit mobile version