Pinaplano nang pirmahan ni Pangulong Marcos ang P6.532-trilyong national budget para sa 2025 bago mag-Pasko. Pero hindi ito nakaligtas sa mga tanong ng mga mambabatas, partikular sa malaking pagtaas ng “unprogrammed appropriations” mula P158.7B hanggang P531.7B at ang mga cut sa budget ng DepEd at DOH.
Sinabi ni Kabataan Rep. Raoul Manuel na tinatanong niya ang mga pagbabago dahil ang mga ito ay malayo sa tunay na progreso. Binanggit pa niya ang zero subsidy para sa PhilHealth, isang malaking hamon para sa ahensiya.
Samantala, si Sen. Francis Escudero ay nag-sabing ang zero subsidy para sa PhilHealth ay dapat magsilbing wake-up call para sa mga underperforming na ahensiya.
Sa kabilang banda, pinatutsadahan ni Tingog Rep. Jude Acidre si Sen. Ronald dela Rosa, na binatikos ang MOA ng Tingog at PhilHealth. Ayon kay Acidre, ang inisyatibang ito ay para tulungan ang mga lokal na pamahalaan, hindi para sa politika.