Site icon PULSE PH

Maine Mendoza at Kim Chiu, May Paalala: “Gaming Dapat Fun-Fun Lang!”

Kapuso host Maine Mendoza at Kapamilya actress Kim Chiu, nagsanib-pwersa para ipanawagan ang responsible online gaming.

Sa media launch ng “Pusta de Peligro” campaign, iginiit ni Kim na dapat ay nasa tamang limitasyon ang pagtaya.

“Bet what you can afford para umiwas sa ‘pusta de peligro’ dahil ang gaming dapat fun-fun lang,” ani Kim.

Samantala, binigyang-diin ni Maine ang kahalagahan ng tamang suporta sa paglalaro.

“Get the right support para umiwas sa ‘pusta de peligro’…” sabi niya.

Ang DigiPlus Interactive at ang social development arm nitong BingoPlus Foundation ay opisyal nang inilunsad ang Pusta de Peligro Responsible Gaming campaign sa Gateway Cinema. Sa pamamagitan ng tatlong short films, layunin ng kampanya na magbigay ng kaalaman at gabay upang mapanatili ang gaming bilang ligtas at masayang libangan.

Tatlong Kuwento, Isang Mensahe

Itinampok sa kampanya ang tatlong maiikling pelikula na naglalarawan ng mga totoong sitwasyon kung saan nagiging delikado ang gaming:

✅ Isang babae, nag-aalangan kung babasagin ang alkansya para ipantaya o ipon na lang.
✅ Isang lalaki, nagdadalawang-isip kung gagastusin ang pera sa pananghalian o isusugal ito.
✅ Isang babae, may butas na sapatos—bibili ba ng bago o itataya sa laro?

Sa pamamagitan ng mga makare-relate na eksena, hinihimok ng Pusta de Peligro ang mga manonood na mag-isip muna bago maglaro at tandaan ang mahalagang aral: “Pag Pusta de Peligro na, pause na muna, dahil ang gaming dapat fun-fun lang!”

Ayon kay DigiPlus Chairman Eusebio Tanco, ang kampanyang ito ay hakbang para mapanatiling ligtas ang gaming industry.

“We want players to feel empowered to make wise choices, families to feel reassured, and communities to see gaming as a safe form of entertainment,” ani Tanco.

Sa dulo, paalala nina Maine, Kim, at ng buong kampanya—laging tandaan ang limitasyon, dahil sa gaming, dapat fun lang, hindi peligro!

Exit mobile version