Mahigit 7,000 deboto ang nakiisa sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Santo Niño sa Pandacan, Maynila noong Linggo, Enero 18.
Ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Council, umabot sa 7,500 katao ang dumalo sa mga aktibidad pagsapit ng alas-1 ng hapon. Kabilang sa mga tampok na gawain ang prusisyon ng Sto. Niño de Tondo, na nagsimula at nagtapos sa Minor Basilica at Archdiocesan Shrine of Santo Niño de Tondo sa Moriones Street.
Makikitang bitbit ng mga deboto ang kani-kanilang imahe ng Batang Hesus, bilang pagpapakita ng pananampalataya at debosyon.
Ipinagdiriwang ang kapistahan ng Santo Niño tuwing ikatlong Linggo ng Enero sa iba’t ibang panig ng bansa. Pinakatanyag dito ang Sinulog Festival sa Cebu, habang sa Maynila, aktibong ipinagdiriwang ang pista sa Tondo at Pandacan, na may mga simbahang nakatalaga para sa Santo Niño.
Matatandaang nasunog ang Sto. Niño de Pandacan Parish noong 2020, ngunit sa kabila nito, nananatiling matatag ang pananampalataya ng mga deboto na patuloy na dumadagsa taon-taon para sa kapistahan.
