Dating WBC featherweight champ Mark Magsayo, puspusan sa paghabol ng titulo sa 130-pound division. Ngayong Sabado, sasabak siya laban kay Bryan Mercado sa Long Beach, bitbit ang layuning makaharap ang isa sa apat na reigning champions: WBC’s O’Shaquile Foster, WBA’s Lamont Roach, IBF’s Anthony Cacace, o WBO’s Emanuel Navarrete.
Kasalukuyang nasa Top 5 rankings si Magsayo sa lahat ng major boxing bodies kaya malapit na siyang makakuha ng title shot. Pero ang focus niya ngayon, tapusin si Mercado, isang Ecuadorian southpaw na may record na 11-6-1 at anim na KOs.
“Kahit sino sa mga champions, lalabanan ko anytime,” ani Magsayo. Pero una muna si Mercado, na naging replacement matapos umatras ang original opponent na si Nicolas Polanco.
Kasama ni Magsayo ang powerhouse team nina coach Marvin Somodio, Brendan Gibbons, at conditioning coach Pedro Garcia. Magsayo, nasa misson ulit para sa tagumpay — makikita kaya natin siyang bumalik sa trono?