Site icon PULSE PH

Maglalaro ba si Alex Eala sa SEA Games? Abangan!

Patuloy ang dasal ng Philippine Tennis Association (PHILTA) na makasali si Alex Eala sa darating na Southeast Asian (SEA) Games sa Thailand ngayong Disyembre.

“Aminado kaming umaasa. Sana maglaro siya para sa Pilipinas,” pahayag ni PHILTA executive director Tonette Mendoza sa PSA Forum sa Rizal Memorial Sports Complex.

Ayon kay Mendoza, nakadepende pa rin ito sa iskedyul ni Eala, na kasalukuyang world No. 65. “Sinusubukan pa niyang i-fit sa schedule niya, pero mukhang excited naman siya. Kaya sana kayanin,” dagdag niya.

Kung matutuloy, ito ang unang pagkakataon ni Alex na sumabak muli sa SEA Games matapos niyang mag-uwi ng tatlong bronze medals noong 2021 sa Hanoi. Ngayon, may tsansa na siyang masungkit ang kauna-unahang ginto sa biennial event.

Samantala, naghahanda rin ang Pilipinas para sa Davis Cup Group III, bitbit ang pag-asang makabalik sa mas mataas na Group II level.

“Slow climb ito, pero umaasa kaming makabalik sa Group II,” ani Mendoza, kasama si Davis Cup player Jed Olivarez.

Exit mobile version