Mas lalong magbibigay ningning ang hinaharap na ikaanim na edisyon ng The EDDYS o Entertainment Editors’ Choice ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa taong 2023.
Kasama ni Piolo Pascual, ang kilalang Ultimate Leading Man at award-winning actor-producer, sa pagho-host ng 6th The EDDYS ay ang premyadong aktres na si Iza Calzado.
Magtutulungan sina Piolo at Iza sa gaganaping awards night ng The EDDYS sa darating na Nobyembre 26, Linggo, sa Aliw Theater, CCP Complex, Pasay City.
Ang pagbibigay ng parangal at pagkilala ng 6th The EDDYS sa mga natatanging pelikulang Pilipino ng nakaraang taon ay manggagaling sa likod ng mahusay na aktor at direktor na si Eric Quizon.
Ang event ay itataguyod ng Airtime Marketing Philippines ni Tessie Celestino-Howard. Ang delayed telecast ng awards night ay mapapanood sa December 2 sa A2Z Channel.
Samantalang, limang pambansang pelikula na nagmarka at nagbigay kulay noong nakaraang taon ang magtutunggali para sa titulong Best Film sa 6th The EDDYS.
Ang mga nominado sa kategoryang Best Film ay ang “Bakit ‘Di Mo Sabihin” ng Firestarters at Viva Films; “Blue Room” mula sa Heaven’s Best Entertainment, Eyepoppers Multimedia Service, at Fusee; “Doll House” ng MavX Productions; “Family Matters” ng CineKo Productions; at “Nanahimik ang Gabi” mula sa Rein Entertainment.