Site icon PULSE PH

Magalong: Ang Lalim ng Korapsyon, Kaya ako Umalis!

Matapang na bumanat si Baguio City Mayor Benjamin Magalong matapos umalis sa Independent Commission for Infrastructure (ICI), sabay ibinulgar ang umano’y malalim at sistematikong korapsyon sa gobyerno, partikular sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Magalong, ang ilang politiko, opisyal at kontratista ay gumawang parang “negosyo” ng mga ghost projects at substandard na imprastruktura. Aniya, nakakadismaya ang paninindigan ng ilang mambabatas na ang pagbibitiw, gaya ni dating kongresista Zaldy Co, ay “ultimate sacrifice” at hindi pagtakas.

My God! Ninakawan mo ang kaban ng bayan tapos sasabihin mong sakripisyo? Hindi ba insulto ito sa mga Pilipino?” giit ni Magalong, na tinawag pang “shameless at hypocritical” ang naturang pahayag.

Binunyag din ng alkalde na libo-libong anomalya ang nadiskubre niya, kabilang ang isang probinsyang may mahigit 9,000 ghost projects. Aniya, dahil sa mga “insertion” sa pambansang badyet, bilyon-bilyon ang nasasayang sa iligal na proyekto.

Paliwanag ni Magalong, “I struck a nerve”, kaya siya umano’y tahimik na “tinabig” mula sa ICI. Naging target pa raw siya ng isang press conference sa Malacañang, kung saan pinagdudahan ang kanyang independence at inakusahan ng conflict of interest dahil sa isang substandard na P110-milyong tennis court project sa Baguio.

“Ginawan nila ako ng paraan para maging legal adviser, tapos bigla akong inakusahan na may conflict of interest. Para bang gusto nila akong palabasing korap — na hindi ko tatanggapin nang tahimik,” diin ng mayor.

Sa huli, nanindigan si Magalong na mananatili siyang tutol sa katiwalian, anuman ang kapalit. “Ang Pilipino ay hindi bobo. Ang nakaka-insulto, ginagawa nila tayong mukhang bobo.

Exit mobile version