Site icon PULSE PH

Mag Out of Town Kayo? Gasolina Tataas ng P2.20 Bawat Litro, Diesel Naman Pataas ng P1.40!

Ibinalita ng mga lokal na kompanya ng langis ang malalaking pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo simula Martes, Marso 26.

Sa magkakahiwalay na abiso, sinabi ng mga kumpanya na tataas ang presyo ng gasolina ng P2.20 bawat litro habang ang diesel at kerosene ay tataas ng P1.40 bawat litro at P1.30 bawat litro, ayon sa pagkakasunod.

Ang Pilipinas Shell at Seaoil ay magpapatupad ng pagtaas sa presyo sa Martes ng 6 a.m. Ang Cleanfuel naman ang huling magtataas ng presyo ng langis sa 4:01 ng hapon.

Ang pagtaas ng presyo ngayong linggo ay sumunod pagkatapos ng iba’t ibang adjustment na ipinatupad noong nakaraang linggo. Noong Martes, tumaas ang presyo ng gasolina ng 10 sentimos bawat litro subalit bumaba naman ang presyo ng diesel ng 10 sentimos bawat litro.

Ito ang ikalawang sunod na linggo ng pagtaas ng presyo ng gasolina.

Exit mobile version