May pakulo ang Korean Cultural Center (KCC) Philippines sa Taguig na siguradong kabog sa mga fans ng KPop Demon Hunters! Inspired ng sikat na animated film sa Netflix, may mga inihandang activities ang KCC para mas lalong ma-appreciate ang kultura ng Korea.
Pwedeng mag-dress up bilang KPop Demon Hunters character o magsuot ng traditional hanbok at gat (hat) sa Lights of Korea: Jinju Silk Lanterns exhibit sa July 18 at 25. May pa-mini photoshoot pa ito!
Sa parehong araw, may maedeup bracelet tutorial rin sa KCC library — kagaya ng sinusuot ni Jinu sa pelikula.
Sa August 2 naman, may art workshop kung saan matututo ang mga guests gumawa ng sariling “Kkachi Horangi” painting, ang inspirasyon nina Sussie at Derpy.
Sabi ng KCC Director Kim Myeong-jin, “Gusto naming ipakita na ang K-culture ay may malalim na kwento at kahulugan, hindi lang puro visuals.” Kaya tara na—damhin ang kultura habang nagko-cosplay!