Isang mag-asawang German, inaresto sa Spain dahil sa umano’y pagkakulong sa kanilang mga anak sa loob ng tatlong taon sa isang maruming bahay na tinawag na “house of horrors” ng mga lokal.
Tatlong bata—dalawang kambal na walong taon at isang 10-taong gulang—ang nadiskubreng hindi nakapag-aral, hindi alaga, at pinalad lang na mailabas sa bahay nang mapansin ng isang residente.
Sa isang press conference, sinabi ng mga pulis na ang bahay ay puno ng basura at ang mga bata ay nakasuot ng diapers at tatlong surgical masks bawat isa. Nakaka-shock pa na nang dumating ang mga pulis, pinakiusapan pa sila ng ama na magsuot ng mask bago magsagawa ng search sa bahay.
Ang mga bata, nang mailabas sa bahay, tuwang-tuwa at nakakita ng damo sa unang pagkakataon—parang hindi pa sila nakalabas kailanman.
Ngayon, tinutukoy pa ng mga awtoridad kung paano at bakit sila nakarating sa Spain. Ang mag-asawa, nakakulong na at patuloy na iniimbestigahan.
