Nagdagdag din ng QC bus sa mga rutang Quezon City Hall-General Luis, Quezon City Hall-Gilmore at Quezon City Hall-C5/Ortigas Avenue Extension.
May mga nakaantabay ng QC Bus sa harapan ng National Housing Authority na command post ng Traffic and Transport Management Department.
Handa ang walong ruta ng mga bus na maghahatid paikot sa lungsod at nag-umpisa ito ng 5:00 AM at magtatagal hanggang 8:00 PM ngayong araw.
Nakaalalay ang QCity Bus para sa mga QCitizen na apektado ng transport strike ngayong araw. Maagang umalalay ay ating libreng sakay, at nagdagdag ng mga ruta maliban sa madalas nitong ruta—QC Hall-General Luis, QC Hall-Gilmore, at QC Hall-C5/Ortigas Ave. Extension.
Umarangkada na ang ating QCity bus mula 5AM kanina, at ito’y patuloy na magsasakay hanggang 8PM.
Nagsagawa rin ng libreng sakay ang mga e-trike ng DPOS para sa mga QCitizen na patungo ng Philcoa-SM North/Trinoma.
