PULSE PH

Luzon at Visayas, isinalalim sa yellow alert dahil sa manipis na supply ng kuryente!

Muling nagpatupad ng yellow alert ang National Grid Corporation of the Philippines sa buong grid ng Luzon at Visayas dahil sa patuloy na pangkalahatang kakulangan sa reserba ng kuryente. Ang deklarasyon ay ginawa matapos ang sunod-sunod na forced outage o hindi inaasahang pagkasira ng ilang malalaking planta ng kuryente sa rehiyon, kasabay ng napakataas na demand ng mga mamamayan sa kuryente bunsod na rin ng matinding init ng panahon.

Ipinaliwanag ng ahensya na ang yellow alert ay itinaas mula alas-kwatro ng hapon hanggang alas-otso ng gabi. Nangangahulugan ang alertong ito na bagamat sapat pa ang kasalukuyang suplay para matugunan ang pangangailangan ng publiko, masyadong manipis ang natitirang reserba ng kuryente. Babala ng mga eksperto, kapag may isa pang planta ang biglang nagkaproblema sa ganitong sitwasyon, malaki ang tyansa na magkaroon ng mga serye ng rotational brownout o panandaliang pagkawala ng kuryente.

Exit mobile version