Site icon PULSE PH

Luis Manzano, Nawalan ng Endorsements Matapos Sumabak sa Pulitika!

Diretsahang inamin ni Luis Manzano na apat na endorsements ang nawala sa kanya matapos niyang magdesisyong tumakbo bilang vice governor ng Batangas.

Sa isang panayam sa Barako Fest 2025 sa Lipa, sinabi ni Luis na nauunawaan niya ang desisyon ng mga brand na kumalas, lalo na’t may mga kontratang hindi pumapayag sa paglahok sa politika.

“Alam ko na agad na may mawawala. Habang kumakain kami noon, sinabi na sa akin ni Gov. Vi, ‘Anak, kapag pumasok ka sa pulitika, kahit ang endorsements mo mawawala,’” pagbabahagi ni Luis. “At tama nga siya, tatlo o apat na brands ang agad nag-pull out.”

Aminado si Luis na may pros and cons ang pagpasok sa politika. “Naiintindihan ko naman, pero syempre tatamaan ang income ko. Pero gaya ng sabi ni Gov. Vi, ‘Anak, mabawasan ka man ng endorsements, mas masarap naman ang tulog mo dahil marami kang natutulungan.’”

Exit mobile version