Site icon PULSE PH

LTO, Sinuspinde ng 90 Araw ang Driver na Nagbantang Manaksak ng Pasahero!

Suspendido ng 90 araw ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng isang driver ng ride-hailing app na InDrive matapos kumalat ang video na nagpapakita ng pagbabanta niya gamit ang kutsilyo sa mga pasahero.

Nagsimula ang gulo dahil sa hindi pagkakaintindihan sa drop-off point ng mga sakay, ayon sa LTO.

Ayon kay LTO OIC Gregorio Pua Jr., pinadalhan na ng show-cause order ang driver para ipaliwanag kung bakit hindi dapat permanenteng bawiin ang lisensya niya.

Tinawag ni Pua na “hindi katanggap-tanggap” ang ginawa ng driver, lalo na’t dapat ay alagaan ang kaligtasan ng mga pasahero.

Base sa imbestigasyon, pinilit palabasin ng driver ang mga pasahero at nagbanta pa ng pananaksak.

Kasuhan siya ng reckless driving at pagiging hindi karapat-dapat magmaneho ayon sa Republic Act 4136.

Sinummon din ang may-ari ng sasakyan, at nilagay sa alarm status ang sasakyan para ma-limitahan ang mga papeles habang iniimbestigahan ang kaso.

Exit mobile version