Magandang balita para sa mga estudyante, senior citizens, at PWDs! Magpapalabas ang LTFRB ng bagong memorandum circular para gawing pantay at malinaw ang pagbibigay ng fare discounts sa mga gumagamit ng ride-hailing apps.
Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, inaasahang ipatutupad ang bagong panuntunan sa Pebrero. Sa ilalim ng memorandum, 80% ng discount ay sasagutin ng Transport Network Companies (TNCs), habang ang natitirang 20% ay babalikat ng mga driver at operator.
“Responsibilidad ng TNCs at app owners na pasanin ang diskwento,” ani Guadiz. Humingi rin siya ng paumanhin dahil sa kawalan ng malinaw na batas noon ukol dito, pero nangako siyang aayusin ito bago matapos ang buwan.
Sabi naman ni Sen. Raffy Tulfo, hindi dapat ang mga driver o operator ang nagpapasan ng mga diskwento. “Dapat ang TNCs ang magbayad dahil sila ang kumikita,” diin ni Tulfo.
Abangan ang pagbabagong ito na magbibigay ng patas na diskwento at mas maayos na sistema sa mga pasahero!
