Mas mapapabilis na ang biyahe ng mga commuter papunta sa south ng Metro Manila at sa Cavite, dahil sa pagbubukas ng extension ng LRT-1 sa Parañaque!
Ayon kay Transport Secretary Jaime Bautista, magsisimula na ang unang bahagi ng LRT-1 Cavite Extension sa Nobyembre 16, sakto para sa holiday rush. Magkakaroon ng limang bagong stations: Redemptorist, MIA Road, PITX, Ninoy Aquino, at Dr. A. Santos o Sucat.
Hindi na kailangan bumaba ng mga pasahero sa Baclaran para makasakay papuntang PITX, kung saan may biyahe papuntang iba’t ibang lugar sa bansa. Ang MIA Road station ay pinakamalapit sa NAIA, na mainam habang ginagawa pa ang subway.
Patuloy naman ang pagtrabaho ng Light Rail Manila Corp. para matapos ang mga susunod na phase ng extension hanggang Las Piñas at Bacoor. Target ng LRT-1 na madagdagan ng 80,000 ang kanilang mga pasahero kada araw, na magpapasikip pa sa linya bilang pinaka-abalang riles sa bansa.
