Muling tumaas ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ngayong Pebrero 1, matapos magpatupad ng price hike ang mga kumpanyang Petron at Solane.
Nagtaas ang Petron ng ₱1.50 kada kilo, na epektibo alas-12:01 ng madaling araw ng Linggo. Samantala, ipinatupad ng Solane ang ₱1.55 kada kilo na dagdag-presyo bandang alas-6 ng umaga.
Ayon sa mga ulat, ang pagtaas ay alinsunod sa adjustment ng international LPG contract prices para sa buwan ng Pebrero.
Noong Enero, kapwa nagtaas din ng ₱2.18 kada kilo ang Petron at Solane, dahilan upang patuloy na maramdaman ng mga konsyumer ang pagbigat ng gastusin sa pang-araw-araw na lutuan.
