Isang low-pressure area (LPA) na kasalukuyang nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ay maaaring maging tropical depression o bagyo sa loob ng susunod na 24 hanggang 48 oras, ayon sa PAGASA.
Noong Linggo, alas-3 ng hapon, nasa 2,560 kilometro ito hilagang-silangan ng pinakamataas na bahagi ng Hilagang Luzon. Sinabi ni weather specialist Veronica Torres na malaki ang posibilidad na lumakas pa ang LPA, pero sa ngayon, wala pa itong direktang epekto sa Pilipinas.
Sa kabila nito, inaasahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa karamihan ng bahagi ng bansa.
Kasabay ng balitang ito ay ang pagdiriwang ng pinakamahabang araw sa 2025 sa Northern Hemisphere, ang tinatawag na summer solstice.
Kaya habang nagbabantay tayo sa posibleng bagyo, maghanda pa rin sa pagbabago-bago ng panahon!