Site icon PULSE PH

LOOKOUT ORDER: 35 DPWH Opisyal at Contractor, Iniimbestigahan sa Flood Control Projects!

Naglabas ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban sa 35 opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga contractor na umano’y sangkot sa maanomalyang flood control projects.

Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, agad nilang ipinatupad ang kautusan matapos matanggap ang order na pirmado ni Justice Secretary Boying Remulla. Ang hakbang ay tugon sa hiling nina Sen. Rodante Marcoleta at Atty. Rodolfo Noel Quimbo para masubaybayan ang mga indibidwal habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Senado.

Kasama sa listahan ang mga sinibak na district engineers na sina Henry Alcantara at Bryce Hernandez, at pitong iba pang DPWH officials gaya nina Usec. Maria Catalina Cabral at ilang regional directors.

Bukod dito, 26 contractor executives din ang saklaw ng ILBO, kabilang sina Cezarah Discaya (Alpha & Omega), Ma. Roma Angeline Discaya Rimando (St. Timothy Construction), Aderma Angelie Alcazar (Sunwest), at Edgar Acosta (Hi-Tone Construction).

Paliwanag ng BI, ang ILBO ay pang-monitor lamang at hindi direktang makakapigil sa pag-alis ng mga subject sa bansa. Gayunman, inaatasan ang immigration officers na mangalap ng impormasyon at i-check kung may kasabay na court orders bago payagang makabiyahe ang mga ito.

Pinaghihinalaan ni Sen. Marcoleta na may ilang contractor na maaaring nakalabas na ng bansa sa gitna ng imbestigasyon.

Exit mobile version