Site icon PULSE PH

Live-Action Trailer ng ‘How To Train Your Dragon,’ Nandito Na!

Inilabas na ng Universal Pictures ang teaser trailer para sa live-action adaptation ng “How To Train Your Dragon”!

Makikita sa trailer si Hiccup (Mason Thames) kasama ang ama niyang si Stoick (Gerard Butler), na muling bumida bilang chieftain ng Berk. “Kapag dala mo ang palakol na ’to, dala mo rin kami,” ani Stoick sa anak na nagdadalawang-isip patayin ang dragon.

Highlight ng trailer ang iconic scene kung saan nahuli ni Hiccup ang Night Fury na si Toothless at ang unang paghawak niya rito. Todo feels lalo na’t ginamit ang iconic score ni John Powell!

Kasama rin sa cast sina Nico Parker, Nick Frost, Julian Dennison, at Peter Serafinowicz. Ang live-action na ito ay comeback ng director na si Dean DeBlois at composer na si Powell mula sa original trilogy.

Exit mobile version