Mula sa kahirapan sa South Africa hanggang sa Hollywood, muling bumalik si Lebohang Morake, kilala bilang Lebo M, ang boses sa iconic na “Nants’ Ingonyama” chant ng The Lion King. Ngayon, siya ulit ang nagbukas ng prequel na Mufasa: The Lion King gamit ang bagong kanta, Ngomso.
Ayon kay Lin-Manuel Miranda, “Si Lebo M ang secret sauce ng The Lion King,” na ngayon ay muling nagdala ng African authenticity sa pelikula.
Sa kabila ng pressure, nagawa ni Lebo M ang kanta bago pa man dumating ang crew, gamit lang ang hi-hat at bongo. Para kay Lebo, ang Lion King ay patunay ng pagbangon mula sa kahirapan, diskriminasyon, at maging ang pagiging homeless.
Abangan si Lebo M sa kanyang unang solo concert sa South Africa sa 2024—isang karanasang siya mismo ay excited maranasan.